BOB ONG’s famous quotes..

On Love…

….Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.

Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!

Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.

Ang tenga kapag pinagdikit, korteng puso. Extension ng puso ang tenga. Kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal.

Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.

Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.

Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo kung walang pwesto para sayo, eh meron namang hagdan ayaw mo lang pansinin.

Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan. malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya. naunahan ka lang.

Hiwalayan na kung di ka na masaya. walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.

Pag hindi ka mahal ng mahal mo, huwag kang magreklamo. kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… Kaya quits lang.

Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din.

Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..

Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.

Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.

Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.

Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.

Mahirap pumapel sa buhay ng tao lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na napili niya.

On Life..

Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw.Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.

Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. Tanging diploma ay ang alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.

Dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.

Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.

Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.

Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.

Parang eskwelahan din ang buhay e. Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat ‘yon e importante at kailangan mong matutunan.

Naniniwala akong walang manunulat na kahit isang beses sa buhay n’ya e hindi nagkasala ng panggagaya.

Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba.

Kung di mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?

Wag kang matuwa sa mga bagay na nakikita mo sa ngayon. Lahat iyan ay panandalian lamang at anumang sandali ay maaaring mawala.

Sa kolehiyo, maraming impluwensiya ang makikita. Masama o mabuti man ito. Wag mo isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo.

Wag mawawalan ng gana sa buhay. Kung ano yung galling mo, kulit mo, lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga laban ng UAAP, NCAA, mga sports fest o concert ng paborito mong banda, wag mong iwawala hanggang sa pagtanda. Wag kang tutulad sa ilang kongresista na nagre- report sa trabaho para lang matulog.

Kung gusto mong maging musikero, sige lang. Pintor, ayos! Inhinyero, the best! Kung gusto mo maging teacher, pilitin mong maging teacher na hindi makakalimutan ng estudyante mo. Kung gusto mong maging sapatero, maging pinakamahusay kang sapatero. Kung gusto mong maging karpintero, maging pinakamagaling kang karpintero. Kung gusto mong maging tindero ng balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay naming para mambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan!

Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto nya ng pera o gusto nyang sumikat o gusto nya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan sya ng Diyos ng kakayahang mangarao at tumupad nito. Tungkulin nyang pagbutihin ang pagkatao nya at mag –ambag ng tulong sa mundo. At wala na siyang iba pang magagawang mas malaking kasalanan bukod sa talikuran ang tungkuling iyon at hindi bumili ng libro ko.

Pero tanging ang utak lang ng tao- sa buong kalawakan- ang natatanging bagay na nagpipilit umintindi sa sarili niya.

Kahit kelan walang maling desisyon, nagiging mali lamang ito kapag hindi napapanindigan.

Minsan, kailangang ituro ng mundo sa’yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo.

Kung wala kang alam sa buhay ng dalawang tao o kahit pa man ay alam ka sa isa sa kanila, wala ka pa rin sa tamang lugar para lagyan ng kahulugan ang mga kilos nila.

Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).

Minsan kelangan mo ng lakas para sabihing mahina ka.

…ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. Walang “iba”. Wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “Sana nagpatawa ka na lang!” Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction. Umatras pa ‘ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro…

Sa mga taong di nagpaparamdam sa kanilang mga kaibigan e mabuting patayin nalang namin kayo para magparamdam kayo.

Parang eskwelahan din ang buhay e. Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat ‘yon e importante at kailangan mong matutunan.

Tipong pag sinabihan ka ng sorry, pwedeng sumama pa ang loob mo. Pero pag sinabihan ka na ng SUPER SORRY, naku - bawal na magtampo! Kasi super na yan.

Makakapagbago ka lang kung kaya mo nang aminin na hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mong pag-iisip, dahil ito rin ang nagtutulak sa ‘yo sa bisyo.

Hell ang high school. Cool.

Pag binisita ka ng idea, gana, o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon.

Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.

Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.

Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.

Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.

Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.

Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala

Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.

Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo, kayo ang niloloko namin; Hindi kayo ang nakapanloloko.

Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.

Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.

Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?

Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.

Ayokong nasasanay sa mga bagay na pede namang mawala sa buhay ko.

Walang taong panget. Nagkataon lang na yung mukha nila hindi uso at hindi in.

Karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na ‘kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.

Ganyan talaga ang mga tao, pipihit-pihitin ang katotohanan hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso.

Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, may naipundar din kami kahit papano. Nasa pagsisikap lang ‘yan ng tao!

Hinahanap mo nga ba ako… o ang kawalan ko? Mas madaling makita ang wala.

Natawa ka man o nandiri sa pagkaing may kakaibang pangalan, isang patunay lang yan na apektado ka ng salita.

Tama na sigurong malaman namin na lumalakad ang mga kamay ng relo at tumatakbo ang panahon.

…na mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa transcript of records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.

ritual ‘yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan para magkatrabaho ka at kumita ng disente. At oo, para na rin respetuhin ka ng ibang tao.

Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila?

Pero mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.

Paggawa na ba ng mabuti ang hindi paggawa ng kasamaan?

Wala kang ibang paghuhugutan ng sipag, tiyaga, at determinasyon kundi sarili mo.

happy birthday mokz!

Sorry poh…Wala akong gift sayo..(as usual..hehehe)

Kaya eto na lang blog for you…

By the way, Thanks poh sa treat last sunday sa MOA…I have a lot of fun..Kala ko hindi yun magiging gnun kasaya kasi kulang ang tropa..na-upset ka pa sa surprise ng isang taong ayaw mo namang makita..But anyway..Naging masaya pa rin..Iba talaga ang POWERS NG VIDEOKE!..ehehe..we all have fun!

Haii…Another birthday had come. We’re getting older na..BUT, getting more beautiful as well!. I see a lot of changes in you. Some changes na dala na ng maturity..hindi na ng puberty the way we used to change before. Like dati powder and lipgloss ka lng…ngaun todo make-up na..with matching liquid eyeliner with glitters pa! ehehe…kakatuwa..Dati rin..soft-spoken ka..ngaun, nakikipagsabayan ka na ng garapalan ng salita sa amin..Nag-evolve ka na nga. Nagugulat nga ako sayo minsan..But i think its quite good. Dati kasi i see you as more vulnearable, fragile and sensitive to which i find myself wanting to protect you at times. So now i wont have to worry anymore..you are now being capable to this strange and harsh world. Hindi ka na takot masaktan. Willing na willing ka pa nga…

All i am praying is that dont be too aggresive and daring to discover and experience things. We cant control what may happen, and where it may lead you..we cant help committing mistakes. Mahirap mapuruhan. There is so much in this life thats too dangerous to handle.Marami tayong di pa alam.  Marame din taong kayang-kaya kang saktan and take advantage of you.Kaya dont just  make decisions on  your own.Wag pbigla-bigla and carelessly.Makinig ka pa rin sa mga taong mas nakakaalam  kong ano ang mas ikakabuti mo just like your parents and mostly God…seek for their guidance. ( Mag-sermon ba?)

I trust God as well as i trust you. I trust God because he wont give you hardships na hindi mo nmn kakayanin. I trust you for choosing decisions na kaya mong panindigan. Dun ako bilib  sayo eh. And i know you’re just eager to see, learn and be the best person you’ll ever be. As a friend, di mo na kailangan patunayan yun, the best ka na para sa akin..

I hope through all the changes, whatever life may take you, hindi na magbago yung friendship na na-establish natin. Instead, changes will help tis to become more meaningful, strong and masaya. I know we have part ways, ibang mga tao  na yung mga nakakasama natin ngaun throughout life but we have our own bond that keeps us.Kahit sino pa yung mga bagong friends na dumating, hindi na matutumbasan yung value ng friendship natin. Sabi nga ni Joey de Leon, hindi naman yan sa dami ng kaibigan, nasa dami yan ng precious moments you shared with them.

I hope din na sana  makahanap ka na ng right one for you. Hopeless Romantic ka pa rin kasi..ehehe..wawa ka naman..Pero you know what, mas mukha ka pa ngang experienced kaysa sa akin. ( i didnt mean ” experienced”  huh) I mean mas matured ka when it comes to love. LOVE GURU nga kita eh…ehehe..i guess yun yung personal strength mo. Ang swerte nga ng taong mamahalin at paglalaanan mo nyan. I cant believe someone wastes it! Hah! Pity on him…God ways siguro yun. he dont deserves you. Wag mong sayangin yan, mabubulok lang. Ibigay mo  na lang sa iba. Maniwala ka na lang na God is saving the best for you. In perfect time, bababa din yun sa lupa…( anghel ba ito?) ehehe…Haii..pagtuunan mo na lang ng pansin yung ibang aspects of life. God bless nga pala sa exam mo, kaya mo yun..kaw pa!

I dont want to say thank you..basahin mo na lang yung A MILLION THANKS KO ( plugged..)ehehe…most of what im thankful there is about you.

Stay as a woman with dignity. Stay strong.

Im always here kung kailanganin mo, di na dapat i-memorized yun sabi mo nga.

Just always take care..

I wish you PEACE AND HAPPINESS!

                                     LOVE YOU MOKZ!

                                     HAPPY BIRTHDAY!

LOVE AND CARE,

SALIE

List of things i dare to do before i die..

…these are the things i want to accomplish at least before i die..

10. Take a cruise on the Caribbean sea..

9. Travel different incredible places…( Batanes and Palawan..)

8. Go to Boracay with my girlfriends and wear bikini’s…

7. Learn to speak FRENCH.. “Tout droit”..dead ahead..

6. Perform with a band…Rock!

5. Write a book…about my purpose.

4. Learn to play piano…i want to play Un Sospiro ( A sigh) by Franz Liszt..

3. Have a tattoo…A real one.. XVII at the pulse of my wrist..

2. Marry my boyfriend, Darren..and lastly…

1. Have a baby boy…

Well then…when i finally do this things…
Pwede na ko mamatay…ehehe…

« Previous entries